Alay sa Umaga

Pang-araw-araw na pagaalay ng mga panalangin, gawa, at paghihirap

O Hesus, sa pamamagitan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria, iniaalay ko sa iyo ang aking mga panalangin, gawa, kagalakan, at paghihirap ngayong araw para sa lahat ng hangarin ng iyong Banal na Puso, kasama ng Banal na Sakripisyo ng Misa sa buong mundo, para sa kaligtasan ng mga kaluluwa, sa pagtubos ng mga kasalanan, sa pagkakaisa ng lahat ng Kristiyano, at lalo na para sa mga hangarin ng Santo Papa ngayong buwan. Amen.